2. Manipedi!! Red toes and nude fingernails!
Nita (manicurista): Alam mo, bilib na bilib si Maam Jai kay Mommy mo.
Me: Bakit?
Nita: Eh kasi ang pogi pogi daw ni Papa mo.
*Jai as in yung nagggugupit ng buhok ni Papa ito. Skeri!
3. Mass then Kowloon House with Joseph and April! Panalo talaga yung siopao at hot sauce dun!
4. Coffee Sundays with the same peeps yehey
5. Gave away my accessories to April! Ang lungkot nung una. Nagse-save ako ng two-three weeks worth ng allowance ko nung high school para mabili yung iba dun. Haha!
6. Watched Promise's debut!!! Grabe. Ang chaka naming lahat!!!!! Infair sa video, ang dilim at HD na HD! Wala kaming makita! Hahahahaha joke lang. Sobrang laughaton k period.
7. And lastly, Fathers' Day!! :)
Saktong date lang sa Hang Kang |
Papa and Jonie |
Papa wearing the slippers I gave him! |
Papa and Cheska |
Papa with his brothers (the two on his left and right) and family friends |
Papa with Cheska, Mommy, Tita Milette and his mom, Mama Naning at Ate Promise's victory dinner at The Peacock Garden |
Hi Pa! Happy Fathers' Day! Di ako sumama magcelebrate today. Di pa naman yun yun diba? Dahil bukas pa tayo kumpleto? Anyway, gusto ko lang sabihin sayo (ewan ko lang kung pano kasi nagsusulat ako eh nubayan) kung gaano ako naglo-look up sa'yo. Sunod sa Diyos, ikaw ang role model ng buhay ko. Haha. Anim kaming pinalaki mo nang maayos. At sa maayos. Wala kaming kailangan na hindi mo binigay. Hindi mo kami pinatikim ng hirap na natikman mo nung nag-uumpisa ka pa lang. Kaya eto kami ngayon, spoiled sa'yo at naghihirap mag-isa. Haha. Pa, kung magkakaboyfriend at asawa ako, gusto ko parang ikaw na ikaw. Wish ko talaga yan. Kung pareho lang tayong teenager ngayon, baka ako ang nanliligaw sa'yo. Haha. Pasaway ako madalas, alam natin yan. But never take my mistakes against you. Malaki na ako, akin na yun. Hayaan niyo lang ako, matututunan ko rin lahat yan. Di ako magsasawang ipagmalaki sa mundo na ikaw ang tatay ko. Matalino, mabait, maka-Diyos, maprinsipyo, chillax lang at higit sa lahat pogi. Kaya nga eto kami eh. Ano raw. Basta Pa, makakabawi din ako sa'yo. :) Mahal na mahal kita.