5 Jun 2012

I don't even know where to start. June 5.

May lahi siguro akong pusa. Pang-ilang buhay ko na to.
I just finished training. I was crossing somewhere along tandang sora and... got hit by a car.
Well, hi, di ko rin alam bakit/panong buhay pako ngayon. Wala akong ibang nasabi habang nangyayari yun kundi "putang ina." Nakita ko palapit eh. Umuulan. Siyempre madulas yung daan. I got bumped. Nasa likod ng tuhod ko yung bumper and I moved (!) with it. Hindi ko lang masabi kung pano akong nakatayo pa rin pagtapos mangyari yun. Tinignan ko yung driver. Pamilyado. Ano kayang naramdaman niya (nilang mga asa loob ng kotse) nung nakita nila ko? I walked away. Chose not to make a commotion. Hindi ko lang alam kung bakit nangyari yon at kung bakit buhay pa rin ako ngayon kaya di ko napagilang umiyak. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi magsimba, at sabihin sa mga magulang ko kung gano ko sila kamahal.

Lord, kung ano mang mensahe mo sakin sa kung bakit nangyari yon, parang alam ko na. Ikaw pa rin ang masusunod.