15 Mar 2011

sleep is for the weak

bago kong motto.

kanina (kagabi ng mga 6:30, kasi 6am na ngayon) nakapagjogging na ako ng 15 minutes. yay!!! sobrang saya sana magtuluy-tuloy na 'yun. kaso ewan ko lang kung matutupad ko yon kasi nagpupuyat na naman ako ngayon. hindi ko inaakalang sangkaterba(!) (john lloyd) yung kakailanganin kong i-edit sa filipino thesis. hay buhay.

nakakainis (at mali) kapag nagiging stress outlet mo yung pangangausap sa isang tao. yung kapag sa kanya mo binubuhos lahat ng nararamdaman mo? diba, mali? nung umaga lang (yesterday morning), may nabasa ako na parang, "wag ipagkamali ang enthusiasm, energy and confidence sa good communication. it's all about the substance." 'di siya ganun ka-related sa sinabi ko pero wala lang, just wanna share.

sa huling dalawang linggo ko sa unang taon ng kolehiyo, ito lang wish ko:
1) mabawi ko lahat ng kahihiyan noon hahahaha; at
2) mejo imposible pero wala sanang final grade lower than 2.

yun lang.