22 Mar 2012

pag ikaw pinapili sa dalawang taong:
a) lagi niyong pinipilit at tintry magkita; o
b) walang usapan pero laging anjan

surebol, pipiliin mo yung laging anjan.
ganyan pala kalaking bagay yung oras.

mali na magcompare. pero di ako naniniwala na hindrance yung maraming gagawin, yung layo at oras para bigyan mo ng panahon yung taong importante sa'yo. kung hindi niya magawa 'yon, then you're not that important to that person at all. malalaman mo pag may mga taong nagpatunay sa'yo. pwedeng tawag lang. o text. ano ba naman yung text?

--
ang hirap ng pupunta ka sa isang lugar dahil magkikita kayo tas last minute, di pwede. mali pala yung tao yung rason kaya mo ginagawa ang isang bagay. haha. hihingi ka pa ng "puntahan mo ko mamaya :)" pero ikaw din naman pupunta. kakain ka magisa, katext mo siya tulog na pala. hahaha. maiintindihan siguro kita pag ako na yung nasa lugar mo.

basta ngayon, para sakin wala na to :)